» » » Abakada Lyrics

Abakada Lyrics

Name Taken - Hold On For Your Dearest Life Lyrics

Abakada by Florante




Abakada
A-Ba-Ka-Da, E-Ga-Ha-I-La,
Ma-Na-Ng-O-Pa,
Ra-Sa-Ta-you-Wa-Ya
A - Ang mag-aral ay gintong tunay
Ba - Bagay na dapat pagsikapan
Ka - Karunungan ay kailangan lang
Da - Dunong ay gamot sa kamangmangan
E - Ewan ang sagot kapag hindi alam
Ga - Gagat gago ay yaong mga hangal
Ha - Hahayaan bang ikay magkagayon
I - Iwasan mo habang may pagkakataon
La - Labis-labis ang mapapala
Ma - Magsikhay ka lang sa pag-aaral
Na - Nasa guro ang wastong landas
Nga - Ngayoy sikapin mong ito ang mabagtas
O - Oras na upang ikaw ay magising
Pa - Pansinin mo ang dako na madilim
Ra - Rehas ng mga tanong ay sagutin
Sa - Sabihin mong ikaw ay may alam na rin
Ta - Tatalino ang bawat isa
U - Unawain lang at turuan
Wa - Wiwikain ang Abakada
Ya - Yaman at gabay sa kaunlaran
Adlib
A-Ba-Ka-Da, E-Ga-Ha-I-La,
Ma-Na-Ng-O-Pa,
Ra-Sa-Ta-you-Wa-Ya
A-Ba-Ka-Da, E-Ga-Ha-I-La,
Ma-Na-Ng-O-Pa,
Ra-Sa-Ta-you-Wa-Ya





Copyright statement DMCA « Lyrics are property and copyright of their owners. Song provided for educational and language learning purposes